Posts

KAHILINGAN

Image
“KAHILINGAN” ni Mateya      Sa Sitio Bakal, may isang kilalang bata na nag ngangalang Mateo. Kilala siya hindi dahil sa taglay nitong kakisigan o katalinuhan ngunit sa taglay nitong galing sa paglalaro ng online games. Sa tuwing mapaparaan ka sa kanilang bahay makikita mo siya sa paborito nitong puwesto sa kanilang tahanan – ang puwesto katabi ng saksakan ng kuryente. Paborito niya itong lugar dahil sa tuwing malapit nang ma-lowbat ang kaniyang cellphone agad niya na itong isasaksak upang magkaroon ng baterya. Buong maghapon lamang itong na roon at tatayo lamang upang mag-unat-unat. “Mateo, kumain ka na. Handa na ang pagkain sa lamesa” sigaw ng kaniyang ina galing kusina. “Mamaya na lang po, busog pa ako” sigaw naman nito pabalik. “Paano ka mabubusog? Pagkagising mo diretso ka na agad sa paglalaro sa iyong cellphone?” tanong ng kaniyang ina na hindi na pinansin ng batang si Mateo kaya dinalhan na lamang ito ng kaniyang ina ng pagkain sa kaniyang puwesto. Pati ang pag-ih...

PHILAUTIA

Image
“PHILAUTIA” ni Mateya      Mapupungay na mata ang nasa likod ng may kakapalang salamin. Matangos ang ilong na kulay kayumanggi. Makakapal at mapupula ang labi ang mayroon ang lalaking dumaan sa harap ko sa loob ng simbahan. May katangkaran itong taglay kaya mabilis nitong napukaw ang aking mga mata. Sa loob ng simbahan, agad mo siyang makikita dahil sa taas nito at sa suot niyang kulay puti. Iwinaksi ko ang atensyon sa kaniya dahil naroon ako sa lugar na iyon upang manalangin at magnilay, hindi upang lumandi. Pagkatapos ng misa, agad akong umulis at nawala na sa isip ang lalaking kaninang kumuha ng aking atensyon. Bago umuwi ay agad akong nagtungo sa tindahan upang bumili ng maaaring kainin at gawing pasalubong. Bumili ako ng tinapay sa panaderya at inumin sa katabi nitong tindahan. Pagkatapos nito ay agad na akong sumakaya sa tricycle at umuwi.      Sa aking paglalakad papunta sa aming bahay, kapansinpansin na parang may bisita sa loob kaya kumaripas ako...

KUWEBA

Image
  “KUWEBA” ni Mateya   Ang bayan ng Baliti ay kilala sa mga magagandang tanawin; mga bulubundukin na malimit inaakyat ng mga turista, mga talon na siyang dinadayo ng mga karatig bayan, at ang kuwebang nagmimilagro raw. Isang angkan ang nakaisip pumunta sa lugar na ito dahil nga mapagmilagro ang kuwebang ito. Maganda ang kuweba. May mga kandilang nakatirik sa kada sulok nito na nagpapakita na maraming naghahangad ng milagro. Sa ganda ng tanawin sa labas ng kuweba, nawili ang angkan nina Mang Kanor. Hindi nila namamalayan na malapit nang sumapit ang dilim. Mas lalo silang namangha noong makita nila ang mga ilaw sa syudad mula sa kuweba kaya pinili nilang manatili roon at magpalipas na lamang ng gabi dahil mahihirapan silang maglakbay pababa kung madilim sila aalis. Ang kuwebang ito ay tinuring na isa sa mga tourist spot ng bayan dahil sa gandang taglay nito at mga tanawin na makikita mula rito dagdag pa na ito rin ay mapagmilagro. Habang nagpapalipas ng gabi ang angkan ...

AGAPAY

Image
  “AGAPAY” ni Mateya   Masarap pakinggan ang lagaslas ng tubig na sumasabay sa huni ng mga ibon. Ito ang unang musika na naririnig ni Elizabeth sa kanilang tahanan. Sa pagmulat ng kaniyang mata, Magandang sinag ng araw ang kaniyang nakikita. Malamig na simoy ng hangin ay agad dumampi sa kaniyang balat nang buksan nito ang kanilang bintana. Umaga na kaya’t agad nitong niligpit ang kaniyang pinaghigaan. Nakita nito ang kaniyang amang naghahanda sa pag-alis dahil ito ay masisilbing gabay sa mga turista sa pag-akyat sa bundok at talon na ipinagmamalaki ng kanilang bayan. “Aalis na ako” ani ng kaniyang ama. “Ingat po kayo” saad naman ni Elizabeth nasiya naming naghahanda pagpasok sa paaralan.                 Siya ay nasa ikatlong taon na ng kolehiyo kayang sa maikling panahon na lang ay makatatapak na ito sa entablado para tanggapin ang diploma na kaniyang hinahangad. Malapit nan ga siya kaya ang gastos a...

SANDIGAN

Image
  "SANDIGAN" Maikling Kuwento nina Mateya at Kris             Isang umaga ng lunes, aligaga ang lahat ng mag-aaral sa pagpasok sa paaralan. Isa na rito si Dara na maagang gumising upang maghanda sa pagpasok sa paaralan. Inayos niya ang kaniyang baon at ang sarili upang maging presentable siya sa paaralan. Umalis na si Dara sa kanilang bahay upang sumakay sa tricycle kahit maaga pa, sa kadahilanang mahirap ang transportasyon sa kanilang lugar. Kailangan pang mag-antay ng kasabay para umalis ang tricycle kaya’t inaagahan na lang ni Dara para kung mag-aantay man ay hindi ito mahuhuli sa pagpasok. “Mukhang sinuswerte ako ngayon” saad ni Dara dahil ang kaniyang tricycle na sinakyan ay umalis agad kaya’t maaga siya makararating sa paaralan.           Nakarating ito sa paaralan ng alas siete ng umaga. Habang siya ay nag lalakad, napansin nitong marami na ring estudyante sa paaralan kahit...