KUWEBA
“KUWEBA”
ni Mateya
Ang bayan ng Baliti ay kilala sa mga
magagandang tanawin; mga bulubundukin na malimit inaakyat ng mga turista, mga
talon na siyang dinadayo ng mga karatig bayan, at ang kuwebang nagmimilagro
raw. Isang angkan ang nakaisip pumunta sa lugar na ito dahil nga mapagmilagro
ang kuwebang ito. Maganda ang kuweba. May mga kandilang nakatirik sa kada sulok
nito na nagpapakita na maraming naghahangad ng milagro. Sa ganda ng tanawin sa
labas ng kuweba, nawili ang angkan nina Mang Kanor. Hindi nila namamalayan na
malapit nang sumapit ang dilim. Mas lalo silang namangha noong makita nila ang
mga ilaw sa syudad mula sa kuweba kaya pinili nilang manatili roon at
magpalipas na lamang ng gabi dahil mahihirapan silang maglakbay pababa kung madilim
sila aalis. Ang kuwebang ito ay tinuring na isa sa mga tourist spot ng
bayan dahil sa gandang taglay nito at mga tanawin na makikita mula rito dagdag
pa na ito rin ay mapagmilagro.
Habang nagpapalipas ng gabi ang angkan
ni Mang Kanor, ang mga bata ay naisipang maglaro sa loob nito ng tagu-taguan.
“Ang maiba, taya!” sigaw ng mga bata. Batang babae ang naiba kaya ito ang
itinanghal na taya. Nagtago ang mga bata. Hindi kalawakan ang kuweba upang
maging delikado sa mga turista kaya sila ay hinayaan ng kanilang magulang. Kada
may makikitang pinsan si Ana na siyang taya ay napapasigaw ang mga ito. Nakita
niya na ang mga pinsan nitong sina John, Mike, Eli, Hanna, Jaja, Ella, at Steve
ngunit ang pinsang si Bea ay hindi pa nakikita. Isang lugar na lang ang hindi
nito napupuntahan kundi ang sulok ng kuweba kaya sama-sama nila itong
pinuntahan. Nakita nila si Bea na may kausap na isang babae. “Bea nariyan ka
lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap” saad ni Ana. Lumingon si Bea sa mga
pinsan nito at pinakilala ang kausap. Isa pala itong caretaker ng
kuweba. Siya ay si Roxanne. Matagal na itong caretaker sa lugar at alam
na alam nito ang kasaysayan ng kuweba. “Masyado na kayong maingay. Mamaya magambala
ninyo ang natutulog na kaluluwa sa paligid. Alam ninyo bang may nakatira rito?”
tanong ni Roxanne sa mga bata. “Hindi” sagot ng mga bata kaya pinilit nilang
magkuwento si Roxanne patungkol sa kaluluwang nakatira rito. “Baka marinig tayo
noong kaluluawa na iyon” pagbibiro ni Roxanne pero patuloy pa rin siyang
kinulit ng mga bata. “Dahil makukulit kayo, sige na nga. Dalawampung taon na
ang lumipas noong nangyari ang insidenteng ito. Hindi pa sikat ang lugar na
ito. Wala pa ang nakakaalam ng lugar na ito bukod sa pamilya Corazon. Ito raw
ang laging pinupuntahan ng pamilya dahil nga sa magandang tanawin. Isang beses,
pumunta sila rito ng gabi dahil dito nila balak salubungin ang bagong taon. Sa
kanilang paglalakbay rito, nauuna si Ibe Corazon, ang padre de pamilya at
sinusundan ito ng kaniyang may bahay na si Emily Corazon. Sa likod niya ang
anak niyang lalaki na si Paulo at anak nitong babae na si Anne. Noong sila ay
makarating sa kuweba, nagtataka sila bakit wala ang kanilang anak na si Anne.
Binalikan nila ang kanilang mga dinaanan at hinanap ito nagbabakasakali na baka
ito ay naliligaw lang daw. Umabot ng tatlong oras ang kanilang paghahanap
hanggang sa umulan ng malakas hindi pa rin nila ito nakita. Wala silang
masisilungan kaya minabuti na lang nilang pumunta sa kuweba at doon magpatila
at ipagpabukas ang paghahanap sa kanilang anak na si Anne. Pumasok sila sa
kuweba, at sa loob noon, doon nila nakita si Anne na nakatalikod. Tinawag nila
ito at sa pagharap niya, bumungad sa kanila ang duguan nitong damit na
nagpapakita na ito ay ginahasa. Puting puti na rin ang mga mata nito. Agad nila
itong nilapitan pero sa punto na nakalapit na sila, ito ay nawalan na ng malay.
Sa lugar na ito ginahasa si Anne at namatay kaya huwag kayong maingay, baka
mabulabog ninyo siya” pagkukwento ni Roxanne. Kita sa mga bata ang takot dahil
sa kanilang napakinggan. “Ang creepy naman dito” saad ng isang bata. “Nanlamig
ako roon ah” saad ni John. Sa kalagitnaan ng kanilang pagkukuwentuhan,
nakarinig sila ng paputok, agad silang lahat lumingon sa bukana ng kuweba at
nakita ang isang fireworks at agad silang nagtakbuhan palabas. Nilingon
ni Ana si Roxanne para ayain panoorin ang fireworks pero sa kaniyang
paglingon, nakita niya itong puno ng dugo at puting puti ang mata. Sa gulat ay
hindi ito nakapagsalita. “Tulungan mo ako, ang iyong lolo ang may kagagawan
nito sa akin” paghihinagpis ni Roxanne.
Comments
Post a Comment