AGAPAY
“AGAPAY”
ni Mateya
Masarap pakinggan ang lagaslas ng tubig na sumasabay
sa huni ng mga ibon. Ito ang unang musika na naririnig ni Elizabeth sa kanilang
tahanan. Sa pagmulat ng kaniyang mata, Magandang sinag ng araw ang kaniyang
nakikita. Malamig na simoy ng hangin ay agad dumampi sa kaniyang balat nang
buksan nito ang kanilang bintana. Umaga na kaya’t agad nitong niligpit ang
kaniyang pinaghigaan. Nakita nito ang kaniyang amang naghahanda sa pag-alis
dahil ito ay masisilbing gabay sa mga turista sa pag-akyat sa bundok at talon
na ipinagmamalaki ng kanilang bayan. “Aalis na ako” ani ng kaniyang ama. “Ingat
po kayo” saad naman ni Elizabeth nasiya naming naghahanda pagpasok sa paaralan.
Siya
ay nasa ikatlong taon na ng kolehiyo kayang sa maikling panahon na lang ay
makatatapak na ito sa entablado para tanggapin ang diploma na kaniyang
hinahangad. Malapit nan ga siya kaya ang gastos ay kaniya na ring ramdam. Bayad
dito, bayad doon. Kabi-kabilang bayarin kaya nang ito ay umuwi galing
eskwelahan, naabutan niya ang kaniyang amang nagsasaing. Hindi niya na
pinatagal ang kaya sinabi na nito ang mga kailangang bayaran sa kanilang
paaralan. Agad naman kinuha ng kaniyang ama sa kaniyang bulsa ang kaniyang
kinita sa araw na iyon at ibigay ang kalahati sa anak. “Tay, baka kulangin na
tayo nito sa panggastos” saad ni Elizabeth. “Ako na ang bahala” ani ng kaniyang
ama. Tumango na lang ito at pumasok sa kanilang bahay.
Madaling-araw
pa lang, ang kaniyang ama ay maagang gumising at naghanda na ulit sa pag-alis
kaya noong si Elizabeth ay nagising, wala ng tao sa kanilang bahay. Inihanda na
lang ulit niya ang sarili sa panibagong araw sa paaralan. Malimit nang hindi
magtagpo ang mag-ama dahil paggising ni Elizabeth nakaalis na ang kaniyang ama
at kung sa pag-uwi naman nito, minsan wala pa ang ama at minsan at nadaratnan
na ito ay tulog na.
Inalala
ni Elizabeth ang mga panahon na lagi silang magkasama ng kaniyang ama. Sabay
kumain sa hapag at masayang nagkukuwentuhan. Mga panahon na hindi pa nila ang
problema. Ngunit ngayon na malapit na si Elizabeth makapagtapos, unti-unti na
rin silang nagkakalayo. Kaya ngayon, naisip ni Elizabeth sumunod sa trabaho ng
kaniyang ama.
Araw ng sabado, walang pasok si Elizabeth. Naisip niya
na ito na ang pagkakataon para makita nito ay ginagawa ng ama sa trabaho. Gumising
ito ng maaga para sundan sa trabaho ang ama. Pagkaalis ng ama palihim nitong
sinundan. Nakita niya itong nakipag-usap sa mga turista. Marahil ay iyon ang
kaniyang aalalayan sap ag-akyat. At hind inga ito nagkamali nang magsimula na
itong umakyat. Pasimple lang niyang sinundan sila. Sa kanilang paglalakbay,
Malamig ang simoy ng hangin at amoy na amoy ang mga basang dahon na marahil ay nabasa
dahil sa ulan. Sa kanilang dinaraanan, kita ang mga kalapit na matataas na
bundok. Tanaw rin mula sa kanilang nilalakaran ang Laguna de Bay na siyang kilala
sa kanilang probinsya. Ang ibang parte ng kanilang nilalakaran ay maputik dulot
ng ulan kaya’t mahirap itong lakaran. Nakita niya ang ama na inaalalayan ang
mga turista sa maputik na parte ng daan. Natuwa siya sa kaniyang nakita dahil sa
taglay na kagandahang loob na ipinakita ng kaniyang ama. Nakalampas ang mga
turista sa maputik na daan kaya siya naman ang dadako rito. Hirap niyang
binagtas ang maputik na daan. Nararamdaman na niya na unti unti nang sumasakit
ang kaniyang binti. Hindi niya alam kung kakayanin pa niyang sumunod. Naisip
niyang bumalik ngunit hindi niya alam ang daan na pabalik. Kaya ang kaniya na
lang ginawa ay ipaalam sa kaniyang ama na siya sumunod dito. Nagpakita siya sa
ama. Gulat ang namutawi sa mata nito. “Bakit ka narito?” tanong ng ama. “Sinundan
ko ho kayo dahil gusto ko po kayong makasama” sagot ni Elizabeth.
Buong buhay ni Elizabeth ang ama lang niya ang
kaniyang kasama. Namatay ang kaniyang ina sa panganganak kaya siya ay naiwan na
lang sa ama. Pinangako ng kaniyang ama na aalagaan niya si Elizabeth at
ibibigay lahat ng pangangailangan. Ngunit sa pagtuon sa mga materyal na pangangailangan,
kalinga ng ama at magulang ay kaniyang nakalimutan. Nang sila ay makauwi, minungkahi
ni Elizabeth na tulungan ang kaniyang ama sa pagtratrabaho ngunit kumontra ang
kaniyang ama. “Huwag na anak. Ipinangako ko na ibibigay ko s aiyo ang lahat
kahit mahirap. Hindi ko man mapagtuonan ang pagiging ama at ina s aiyo, hayaan
mong kahit ang materyal na bagay na pangangailangan mo ay matupad ko” saad ng
kaniyang ama. Naintindihan naman ni Elizabeth ang pinupunto ng kaniyang ama
kaya’t ito ay kaniyang hinayaan na lang at inintindi na ito ang paraan ng
kaniyang ama upang maipakita ang pagmamahal sa kaniya.
Comments
Post a Comment