Posts

Showing posts from May, 2024

KAHILINGAN

Image
“KAHILINGAN” ni Mateya      Sa Sitio Bakal, may isang kilalang bata na nag ngangalang Mateo. Kilala siya hindi dahil sa taglay nitong kakisigan o katalinuhan ngunit sa taglay nitong galing sa paglalaro ng online games. Sa tuwing mapaparaan ka sa kanilang bahay makikita mo siya sa paborito nitong puwesto sa kanilang tahanan – ang puwesto katabi ng saksakan ng kuryente. Paborito niya itong lugar dahil sa tuwing malapit nang ma-lowbat ang kaniyang cellphone agad niya na itong isasaksak upang magkaroon ng baterya. Buong maghapon lamang itong na roon at tatayo lamang upang mag-unat-unat. “Mateo, kumain ka na. Handa na ang pagkain sa lamesa” sigaw ng kaniyang ina galing kusina. “Mamaya na lang po, busog pa ako” sigaw naman nito pabalik. “Paano ka mabubusog? Pagkagising mo diretso ka na agad sa paglalaro sa iyong cellphone?” tanong ng kaniyang ina na hindi na pinansin ng batang si Mateo kaya dinalhan na lamang ito ng kaniyang ina ng pagkain sa kaniyang puwesto. Pati ang pag-ih...

PHILAUTIA

Image
“PHILAUTIA” ni Mateya      Mapupungay na mata ang nasa likod ng may kakapalang salamin. Matangos ang ilong na kulay kayumanggi. Makakapal at mapupula ang labi ang mayroon ang lalaking dumaan sa harap ko sa loob ng simbahan. May katangkaran itong taglay kaya mabilis nitong napukaw ang aking mga mata. Sa loob ng simbahan, agad mo siyang makikita dahil sa taas nito at sa suot niyang kulay puti. Iwinaksi ko ang atensyon sa kaniya dahil naroon ako sa lugar na iyon upang manalangin at magnilay, hindi upang lumandi. Pagkatapos ng misa, agad akong umulis at nawala na sa isip ang lalaking kaninang kumuha ng aking atensyon. Bago umuwi ay agad akong nagtungo sa tindahan upang bumili ng maaaring kainin at gawing pasalubong. Bumili ako ng tinapay sa panaderya at inumin sa katabi nitong tindahan. Pagkatapos nito ay agad na akong sumakaya sa tricycle at umuwi.      Sa aking paglalakad papunta sa aming bahay, kapansinpansin na parang may bisita sa loob kaya kumaripas ako...