AGAPAY

“AGAPAY” ni Mateya Masarap pakinggan ang lagaslas ng tubig na sumasabay sa huni ng mga ibon. Ito ang unang musika na naririnig ni Elizabeth sa kanilang tahanan. Sa pagmulat ng kaniyang mata, Magandang sinag ng araw ang kaniyang nakikita. Malamig na simoy ng hangin ay agad dumampi sa kaniyang balat nang buksan nito ang kanilang bintana. Umaga na kaya’t agad nitong niligpit ang kaniyang pinaghigaan. Nakita nito ang kaniyang amang naghahanda sa pag-alis dahil ito ay masisilbing gabay sa mga turista sa pag-akyat sa bundok at talon na ipinagmamalaki ng kanilang bayan. “Aalis na ako” ani ng kaniyang ama. “Ingat po kayo” saad naman ni Elizabeth nasiya naming naghahanda pagpasok sa paaralan. Siya ay nasa ikatlong taon na ng kolehiyo kayang sa maikling panahon na lang ay makatatapak na ito sa entablado para tanggapin ang diploma na kaniyang hinahangad. Malapit nan ga siya kaya ang gastos a...